Showing posts with label Philippine Republic. Show all posts
Showing posts with label Philippine Republic. Show all posts

Sunday, December 7, 2014

Bansa at Bukluran at Sambayanang Kanlungan

This is my most current attempt at expressing in the Filipino language, the key elements that by my accounting give rise to the particular character and sovereign being of our Republic undertaking of Country i.e Nation, State, Society = Country.
---<--@















Ating Pagka-Bansa
(Our Nationhood - Sovereign Foundation)

Pangngalan: Bansa na sa ati'y Sarili

Gawaing marunong: Pakikipag-kapwa tao (o ang Pagiging-makatao) at Pakikipag-diwang totoo (o ang Pagiging-makatotoo)

Lamang dunong: Kapayapaan at Katotohanan
---<--@

Ating Pagkaka-Buklod
(Our Statehood - Sovereign Expression)

Pangngalan: Buklurang Panglipunan

Gawaing marunong: Pakiki-bahagi (Pakikipag-ugnayan) at Pakiki-isa (Pakiki-atin)

Lamang dunong: Katarungan at Katiwasayan
---<--@

Ating Pagkikipag-Ayunan
(Our Society - Sovereign Motion)

Pangngalan: Sambayanang Ugnayan

Gawaing marunong: Pakiki-bayan at Pakiki-bayani

Lamang dunong: Kapatiran at Katapangan
---<--@

Bansa at Bukluran at Sambayanan ito ay ang -

Ating Pagka-Republika
(Our Country - the Filipino Spirit)

Pangngalan: Republikang Katigan o ang Republika ng Pilipinas

Gawaing marunong: Pakiki-baka o Pakiki-Pilipino

Lamang dunong: Kalayaan at Kasarinlan
---<--@

Saturday, October 4, 2014

Nasaan ang Republika?

Nasaan ang Republika?

Isa ba itong multo sa katotohanan,
isang katagang wala namang kabuluhan...
na sa isipan nati'y pawang palutang-lutang.

Ayan ang Republika.
Mga mangingisda't magsakaka
sa karagatan at kabukira'y nangangarap
nagpapawis... nagbibigay pugay sa pangarap.

Ayan ang Republika.
Mga drayber ng traysikep at dyip,
mga yosi boy at dyaryo boy nangangarap
nagpapawis... nagbibigay pugay sa pangarap.

Ayan ang Republika.
Mga merkado't at mga manininda,
sa palengke, sa kalsada, sa SM at sa mol
nagpapawis... nagbibigay pugay sa pangarap.

Ayan ang Republika.
Mga trabahador at mga manggagawa,
konstraksyon man o opisina, pribado o publiko 
nagpapawis... nagbibigay pugay sa pangarap.

Ayan ang Republika.
Mga OFW at mga migranteng walang kalimot
mga mandaragat, keyr giber, meyd o propesyonal
nagpapawis... nagbibigay pugay sa pangarap.

Ayan ang Republika.
Mga magigiting na sundalo, bumbero't pulis
na malalayang nagsisilbi, sa kurap ayaw magpa-api
nagpapawis... nagbibigay pugay sa pangarap.

Ayan ang Republika.
Mga titser at mga magulang nang ating kabataan
na sa sakripisyo'y hindi maiiwanan magpakailanman
nagpapawis... nagbibigay pugay sa pangarap.

Ayan ang Republika.
Lahat nang sa gobyerno'y patuloy sa pagsilbi -
mula sa rurok hanggang sa mga purok nagpapatotoo
nagpapawis... nagbibigay pugay sa pangarap.

Ayan ang Republika.
nangangarap, nagpupugay, kumakanta
umiiyak, umaasa, naniniwala't nagpapawis
nagbabayad ng kanilang buhay at buwis.

Isa ba itong multo sa katotohanan,
isang katagang wala namang kabuluhan...
na sa isipan nati'y pawang palutang-lutang?

Nasaan ang Republika?
---<--@

Sunday, August 31, 2014

Peace Month 2014


The spirituality of peace is connection.












Tomorrow, my brother and sister Filipinos, let us shoulder together in the Bayanihan spirit, Peace Month 2014. Let us do this as a Nation. Let us work together to deepen our understanding of the word,

"Peace".

Friday, August 15, 2014

An Identity of Participation

Democracy is built upon the strength and merit of individual choices.

Our citizenship is an identity of participation.

It is important to empower personal freedoms. It is also just as important to enable these personal freedoms to serve in society with other citizens.

As thus, the Philippine State exists.

And invokes for itself a Republic serving among an already free and fair people.

And in their behalf.

Popular leadership is exercised through the virtue of a representative form of government.

That in the Philippine Republic duly represents the people in the formal affairs of the State.
---<--@