Showing posts with label Ikaw at Ako. Show all posts
Showing posts with label Ikaw at Ako. Show all posts

Monday, October 31, 2011

Ikaw at Ako



Pilipinas, ano ito?
Ito ang lupain ng pangarap,
Bayang hinirang ng araw
sa puso nating lahat -
isang bayan, isang diwa
isang layunin, isang puso
isang kapatiran, isang gawa
isang umagang pangako sa atin
nang Diyos nating Maykapal,
at nag-iisang Kapayapaang namumuno
sa lahat ng mga Pilipino.

Pilipinas, ano ito?
Atin ito: Ating lahat,
noon pa man, dito sa Ngayon,
at sa kalahatan nang panahon -
dito sa lupa, sa ating karagatan,
at sa lawak ng mga kalangitan,
atin ito, ating lahat,
mga kapwa ko Pilipino -
kapwa kapatid nang Pangako.

Pilipinas, ano ito?
Atin ito: Tayo ito - ikaw at ako,
ngayon at magpakailanman:
Bayang dakila, Inang kandungan,
Tahanan ng ating mga bayani -
punong puno nang kabutihang loob
at pananampalayaya sa Diyos.

Matamis ang magsilbi
sa malaya mong mga kalupunan.
---<--@