Monday, October 31, 2011

Laban ng Buhay



Laban ng buhay,
hamon ng panahon!
Gumising O puso,
tumugon sa hamon!
Lumaban sa agos,
pag-asa'y itaguyod.

Laban ng buhay,
iwaksi ang takot!
Manalig sa sarili.
Maging tapat sa Diyos.
Kapwa mo'y mahalin.
Katotohana'y intindihin.

Puso ng tao'y
parang tala sa langit
na sa gabi'y nangarap
at minsa'y nagising
sa dilim at liwanag
at sa umagang parating.

Ito ang kalayaang
hindi kayang alisin
kalayaang sa puso'y
kung bibigyang pansin
kapangyarihang tunay
na pumiling taglay.

O pusong natutulog
gumising sa dilim!
Dusa'y intindihin.
Imobt ay alisin.
Ningning mo'y patikasin,
liwanag mo'y palawakin.

Laban ng buhay
sa kadilima'y ipahiwatig
sa mga pusong nakikinig
lumaban sa agos
tumugon sa hamon
at lumaya ng lubos.

Laban ng buhay,
hamon ng panahon!
Puso ko ika'y tumugon.
Mamuhay ng may tapang,
problema'y harapin,
langit mo'y abutin.

Kung pangarap mo'y
malayang susundin,
kung liwanag mo'y
siyang pagtitibayin,
sa laban ng buhay
kamit mo'y tagumpay.

Laban ng buhay!
Puso ko sa dilim
sa Diyos ang tingin
pangako Niya'y dingin
manalig, maniwala
mangarap ng malaya.
---<--@