CF Pages

Thursday, December 4, 2014

Pinoy Magiting

Sino ba ang mahal? 
Ano ba ang minamahal?
Galit ba o Pagmamahal, Pilipino?













Katapangan sa Pilipino'y
bunga nitong puso na sa ati'y likas
may bisa at bigkas, may ganda at lakas
kung mag-alab ay wagas...

Puso na sa ati'y
kung magmahal ay mabagsik,
na sa mata ng lupa't langit ay tunay,
at sa isip ng mga makakata'y napakakulay, 
na kung magpatunay ay masipag at mahusay 
pero kung magbigay ay mapag-angkin...

Dahil ang kagitingang taglay
ng ating pusong mapagmatunay,
marami man niyang anyo
ay mula lamang
dito sa iisa nating puso.

Pagmamahal Pilipino
na sa ati'y laging sumusubaybay
ang sa puso din sa ati'y pumipintig;
pagmamahal na sa para sa Minamahal
pa lamang palaging pinahihiwatig...

Dahil kung sa galit at kabuktutan
tayong mga Pinoy ay likas na sa puso'y dala,
wala na ring lungkot na dapat
sa puso nating mga Pinoy bumibisita.

Kung galit ang sa puso nati'y mas likas
at kung galit na rin pusong Pinoy
dito sa lupa pinaglihi't ipinanganak,
marahil ito'y isang bulag.

Dahil puso na sa galit lamang nakalagak
kailan man ito'y sa atin ay mag-alab
ay puno ng dilim na mapagwasak
at hindi ng mapaganking liwanag
na sa pagmamahal natin ay puno.

Sa minamahal ito'y bulag,
sa pagmamahal ito'y duwag,
sa sarili ito'y huwad.

Pero kung sa puso tayo'y sa pagmamahal
nang Minamahal nating Diyos ay itinagi
sa tapang ang giting ng Pinoy
kailan ma'y di pahuhuli.

Tapang na sa ati'y
may dalang bait at dunong,
tandaan natin na sana
kung mula saan isinusulong
dahil ito'y mula sa puso natin
na kung magmahal...

Ang paalala na lang sa Pilipino ay ganito -
parang alab na kung araw ay matindi uminit
at kung gabi nama'y liwanag na matahimik.

- selah -

Tapang nati'y pinapayagan
ng puso na rin nating
pagmamahal ang dahilan.

Hindi ito nadadala ng bilis
at hindi ito parang walang tulis,
malayo't maluwag magbigay tanaw
at walang kasing tindi ang tamis...

Dahil hindi kailanman sa galit
ang puso ng Pilipinas naging tapat,
ni kahit minsa'y hindi iyan naging
sapat sa puso nating lahat.
---<--@